Abswelto? Kapatid ng isa sa mga Rider na nag superman sa Marilaque Highway sinabing walang pananagutan ang kanyang kuya



Naniniwala ang mga kaanak ni Recs Akmad na walang pananagutan ang rider sa nangyari sa Marilaque Highway nitong weekend.

Si Recs ang rider na nakasoot ng dilaw na kasama sa nag-superman stunt sa Marilaque na nagresulta sa pagkasawi ng isa pang rider na kasamahan niya.

Ayon kay Xarah Akmad, may kasunduan na nangyari sa pagitan ng kanyang kuya at ng pumanaw na rider na si John Arguelles bago nangyari ang karera.

"Para alam niyo parehas silang may kasalanan diyan. Nagkasundo yan sila bago nangyari lahat, tropa po sila kaya wag na kayo makialam wala naman po kayong ambag," sabi ni Xarah.

"Kayong mga walang alam wag na kayo mangi alam kasi wala nmn kayong ambag sa gagastosin. Dadag problema lang kayo, kung wala kayong magandang sasabihin manahimik nlng po kayong lahat," dagdag pa niya.


No comments:

Powered by Blogger.