GINAWANG TIRAHAN? Mga Personal na mga gamit nakita sa loob ng imburnal sa Makati na may lumabas na tao
May nakitang mga personal na gamit sa loob ng imburnal kung saan may lumabas na misteryosong tao sa Legazpi Village, Makati City nitong Martes.
Sinabi ng Makati City Police na posibleng matagal nang naninirahan sa loob ng imburnal ang lumabas na tao na pinaniniwalaan na isang babae.
Hinahanap na siya ng mga awtoridad na pinaniniwalaan din na kailangan din ng atensyong medikal.
Una rito, sinabi ng Department of Social Welfare and Development na gumagawa rin sila ng hakbang para mahanap ang naturang tao upang matulungan nila.
No comments: