Kalaboso? 28-anyos na lalaki na gusto raw ng 'closure' sa 15-anyos na ex-gf, kulong suspek may video pa
Arestado ang isang 28-anyos na lalaki dahil sa umanoý pamba-blackmail at paghingi ng pera sa dating karelasyon na 15-anyos sa Caloocan. Paliwanag ng suspek, gusto lang talaga niya ng "closure" sa kanilang relasyon.
Sa ulat ni Jun Veneracion sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing nanghihingi umano ng pera ang suspek sa biktima para hindi ilabas ang maseselang video at larawan ng dalagita.
Inaresto siya ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group sa inilatag na entrapment operation.
"Noong sila pa nagkaroon sila ng intimate videos and photos at itong materials na ito ang ginamit ng suspek sa pamba-blackmail sa victim,” ayon kay Police Lieutenant Wallen Arancillo, PNP ACG spokesperson.
Itinanggi naman ng suspek ang alegasyon at sinabing nais lang niya nang maayos na breakup upang magkaroon sila ng closure ng dating kasingtahan.
Buburahin naman daw niya ang mga larawan at video pagkatapos nilang makita ng babae.
“Siguro nadala lang ako ng bugso ng pagmamahal. Kaya siguro nagkaganyan pero yung sinasabi nila, binibintang po nila nang-harass po ako [hindi po],” paliwanag ng suspek.
"Bigla lang mo lang hiniwalayan, bigla mo lang iiwan na parang wala lang. Bigyan mo lang ako ng ano... para at least maayos ang paghihiwalay natin,” dagdag niya, patungkol sa naging breakup nila ng babae.
Sa kabila ng paliwanag ng suspek, mahaharap siya sa patong-patong na reklamo, kabilang ang grave coercion at child abuse.
No comments: