NAGKARAMBOLA? 6 sugatan sa pagbangga ng bus sa 2 UV Express sa EDSA-Quezon Ave tunnel motorsiklo nadamay din!



Anim ang sugatan sa karambola ng apat na sasakyan sa eastbound lane ng EDSA-Quezon Avenue tunnel sa Quezon City nitong Miyerkoles ng umaga.

Sa isang pahayag ng Quezon City Police District (QCPD), sinabing dinala sa ospital ang mga biktima, kabilang ang isang pulis.

“Sa kabutihang-palad, wala namang nagtamo ng malubhang pinsala,” ayon sa QCPD.

Nasa kustodiya naman ng mga awtoridad ang driver ng bus habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Sa hiwalay na pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinabi nito na isang bus, dalawang UV Express at isang motorsiklo ang sangkot sa karambola.

Kabilang sa mga nasaktan ang rider ng motorsiklo, pati na ang dalawang driver ng UV express at tatlong pasahero nila.


No comments:

Powered by Blogger.