Nagwala! 15-anyos namaril sa loob ng iskul, titser, estudyante tigok
TODAS ang isang guro at estudyante habang sugatan ang limang iba pa matapos mamaril ang 15-anyos na mag-aaral na kalaunan ay nagpakamatay sa loob ng isang eskuwelahan sa Wisconsin, USA noong Lunes.
Nangyari ang insidente sa Abundant Life Christian School sa 4901 E.Buckeye Road sa east side ng Madison, Wisconsin bago mag-alas-11:00 nang umaga noong Lunes.
Ayon kay Madison chief of police Shon F. Barnes, isang second-grade na estudyante ang tumawag sa 911 ganap na alas-10:57 nang umaga para humingi ng tulong sa nangyaring pamamaril ng batang suspek na kinilalang si Natalie Rupnow.
Bigla na lang umanong namaril ang suspek at kabilang sa mga tinamaan ang substitute teacher at isang estudyante.
Apat pang mag-aaral at isang guro ang sugatan kung saan dalawa sa mga estudyante ang nasa kritikal pang kalagayan.
Samantala, natagpuan ang suspek sa isang bahagi ng paaralan na wala nang buhay at naniniwala ang mga awtoridad na binaril nito ang sarili pagkatapos ng kanyang ginawa.
No comments: