Nasapul! Mag-amang tindero na naglalako lang sapol sa ilegal drag race
TATLO ang sugatan, kabilang ang mag-amang naglalako ng luya, matapos silang madagit ng motorsiklong kasali sa ilegal na drag racing sa bayan ng M’lang, Cotabato noong Linggo.
Ayon sa M’lang Municipal Police Station, sakay ng kanilang motorsiklo ang mga biktimang sina Renie Gambin at anak nito habang karga ang ilang sako ng luya nang mahagip sila ng humahagibis na motorsiklong minamaneho ni Michael Vincent Parillo, residente sa Kidapawan City, na nakikipagkarera sa gitna ng kalsada.
Sa lakas ng impact, kapwa sumemplang at natumba ang mag-ama at racer na masuwerte namang nakaligtas sa insidente.
Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang tatlo habang nagkalat naman sa kalsada ang mga dalang luya ng mag-ama.
Napag-alaman na matagal nang inirereklamo ng mga residente sa lugar ang nangyayaring drag racing activity ng ilang kabataan.
Bukod sa peligro sa kanilang kaligtasan, nagdudulot naman ng ingay para sa mga nagpapahingang residente ang ingay mula sa mga sasakyan bunsod ng mga modified na mga tambutso.
@dwiznews Mag-amang tindero, sugatan matapos mahagip sa illegal drag race sa Cotabato | #NEWSCOOP YouTube: www.youtube.com/@DWIZ882Live #dwiz #dwiznews #aliw23 ♬ original sound - DWIZ News
No comments: