Tinadtad! Isang Barangay treasurer niratrat ng Riding in tandem
Patay ang isang barangay treasurer matapos itong ratratin ng dalawang hindi pa nakikilalang tandem sa bayan ng Pikit, North Cotabato noong Miyerkoles nang hapon.
Kinilala ni PMaj. Arvin John Cambang ng Pikit Municipal Police Station and biktima na si Yasser Abdullah, treasurer ng Barangay Macabual at part time teacher rin sa kanilang lugar.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na sakay ng motorsiklo ang biktima at pauwi na nang lapitan umano ito ng dalawang suspek at ilang beses na pinutukan.
Anim na basyo ng bala ang narekober ng mga awtoridad sa lugar.
Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian rin ito ng buhay.
Patuloy ang mga awtoridad sa pangangalap ng impormasyon para matukoy ang motibo at utak sa krimen.
No comments: