Lumipad! Tricycle driver, patay matapos mag-overtake at tumaob ang minamanehong sasakyan



Dead on arrival sa ospital ang isang 37-anyos na tricycle driver matapos maaksidente sa Antipolo City nitong Linggo ng gabi.

Base sa imbestigasyon, binabaybay ng tricycle driver ang E. Rodriguez Avenue sa Barangay Dalig pasado alas-nuwebe kagabi nang mag-overtake ito umano sa isa pang tricycle, ayon sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita nitong Lunes.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver. Sumalpok ang kanyang minamanehong tricycle sa gilid ng kalsada at tumaob ito. Nadaganan at naipit ang driver sa nasabing tricycle.

Nang mangyari ang aksidente, nakarinig ang ilang residente nang malakas na ingay ng pagbangga.


No comments:

Powered by Blogger.