Biglang Pumasok? Bata aksidenteng naikulong ang sarili sa loob ng ref



Nataranta ang isang lola nang may madinig siyang iyak ng bata na nagmumula sa loob ng kanilang refrigerator sa tindahan. Ang bata sa loob, ang binabantayan niyang apo na tatlong-taong-gulang.

Makikita ang lolo na ng batang si JK na abala sa paglilinis sa kanilang ref sa tindahan.

Inalis niya ang mga laman ng ref, pati na ang mga patungan kaya maluwag sa loob nito. Tinanggal din niya sa saksakan ang ref para mag-defrost.

Maya-maya lang, umalis si lolo at iniwan niya ang ref na nakabukas ang pinto.

Nang sandaling iyon, nasa labas naman si JK at naglalaro ng bola kasama ang kaniyang lola. Pero ilang saglit lang, pumasok ang bata sa tindahan at sinilip ang laman ng ref.

Walang ano-ano, pumasok si JK sa loob ng ref at nagkasya siya dahil wala ang mga patungan o shelf nito dahil tinanggal ng kaniyang lolo.


No comments:

Powered by Blogger.