SUMALPOK TALAGA! Mag-ama patay nang bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa truck sa Maynila



Patay ang dalawang lalaking mag-ama at magka-angkas sa motorsiklo matapos sumalpok sa isang trailer truck sa bahagi ng Delpan Bridge sa Maynila.

Sa inisyal na impormasyon galing sa mga tauhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit ng Manila Police District, naganap ang aksidente pasado alas dose bente ng hatinggabi nitong Martes.

Ayon sa pahinante ng truck, nakapila sila papasok ng port nang biglang may kumalabog sa kanilang likuran.

Sa lakas ng impact, na-uga aniya ang kanilang truck at pagbaba nila, dito na nila nakita ang mga biktima na nakahandusay.


No comments:

Powered by Blogger.