Pinagbabaril! Lalaking nagba-buy-and-sell ng mga sasakyan online patay ng barilin ng nagpanggap na buyer na isa palang hitman



Patay ang isang lalaking nagba-buy-and-sell ng mga sasakyan online matapos siyang barilin ng nagpanggap na buyer na isa pa lang hitman sa Parañaque.

Sinabing nakipagkita ang biktima sa dalawang suspek na nagpanggap na buyer nitong Lunes ng 11:00 pm sa Parañaque upang tingnan at i-test drive ang ibinebentang SUV.

Nagsama naman ng dalawang kaibigan ang biktima at nagtungo sa Barangay Marcelo Green Park sa bahagi ng South Superhighway.

Ayon kay Police Brigadier General Joseph Arguelles, District Director, SPD, matapos isagawa ang test drive, basta na lang binaril ng dalawang beses ng suspek ang biktima na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.


No comments:

Powered by Blogger.