NILAGLAG NA! Gibo Harapang Nilaglag ng Palasyo Isiwalat lahat ng Kasabwat, Traydor lahat Kayo!
Posibleng maharap sa kasong kriminal sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., National Security Adviser Eduardo Año, Defense Secretary Gilbert Teodoro, at DILG Secretary Jonvic Remulla matapos ibunyag mismo ni Remulla ang kanilang direktang partisipasyon sa isang operasyong suportado ng gobyerno upang dukutin at ipatapon sa ibang bansa si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD).
Ayon kay Atty. Raul Lambino, ito ay isang “grand conspiracy” kung saan sangkot mismo si Marcos Jr. at kanyang mga gabinete sa isang ilegal at planadong operasyon upang sapilitang alisin si Duterte sa bansa.
Iginiit ni Lambino na mismong mga pahayag ni Remulla ang nagpatunay na may sabwatan sa likod ng isang kriminal na hakbang na maituturing na kidnapping, isang mabigat na kasong may kaukulang parusa sa ilalim ng batas ng Pilipinas.
Paliwanag ni Lambino, binasag ng pahayag ni Remulla ang naunang pagtanggi ni Marcos Jr., patunay na matagal nang pinagplanuhan ang pagdukot kay Duterte.
No comments: