Walang Plano? Marcos inaming walang backup plan kung sakaling i deklarang invalid ang 2025 National Budget



Walang contingency plan si Pangulong Bongbong Marcos kung sakaling ideklara ng Korte Suprema na invalid ang 2025 National Budget na kinukwestiyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Marcos na hahayaan niya na lamang umano ang takbo ng gobyerno na tumigil.

Ibig sabihin nito ay mapaparalisa ang operasyon ng gobyerno, kasama na dito ang pagbibigay ng sweldo, distribusyon ng pension, pagbabayad ng utility bills at pagtigil ng mga proyekto ng gobyerno.

Ito rin umano ang kagustuhan ng mga humihiling na ideklarang invalid ang national budget.

Matatandaang hiniling ng kampo ni Davao City Third District Representative Isidro Ungab at dating Executive Secretary Vic Rodriguez sa Korte Supremana na ideklarang invalid ang 2025 National Budget dahil sa kwestiyonableng naging proseso ng pagpapasa nito.

Ngunit itinama ng ilang mga netizens si Marcos at sinabi na magkakaroon ng reenacted budget kung sakali na mabasura ang national budget.

Kasama rin dito ang paggamit sa 2024 national budget na gagamitin pansamantala upang hindi matigil ang operasyon ng gobyerno.


No comments:

Powered by Blogger.