Tinapon! Nakakarton na bagong silang inabandona, napulot sa harap ng tindahan




Isang bagong silang na sanggol na inabandona ang natagpuan sa Canaman, Camarines Sur nitong Sabado ng umaga, Enero 11.

Ayon sa ulat, natagpuan ang babaeng sanggol na nakasilid sa karton na iniwan sa harap ng isang tindahan sa Avenue St. Progress Homes Subdivision, Barangay San Vicente.

Agad naman itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ng nakakitang tricycle driver.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon na nakasuot umano ng jacket ang nakitang nang-iwan sa baby.


Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng RHU-Birthing Clinic ang sanggol.

Hinikayat naman ng pulisya na makipag-ugnayan sa mga awtoridad ang sinumang nakakaalam sa pagkakakilanlan ng magulang ng natagpuang sanggol.


No comments:

Powered by Blogger.