Nakabalandra! Bangkay ng isang Babaeng tsinugi, binalandra sa gilid ng kalsada




Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Barangay Lumbangan, Nasugbu, Batangas nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa Nasugbu police, natagpuan ng isang barangay kagawad na maghahatid ng kanyang anak sa pinapasukang trabaho ang bangkay ng biktima na kinilala sa alyas Jessa, na nakabulagta sa gilid ng barangay road malapit sa Lumbangan National High School bandang alas-4:30 ng umaga.

Batay sa pagsusuri ng mga awtoridad, duguan ang ulo nito at may sugat din sa kanang bahagi ng tiyan.

Patuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad at ang pag-review ng mga CCTV footage para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

Inaalam pa rin ang motibo sa krimen. 

Si Jessa ay puno ng mga dugo sa kanyang ulo at sa kanang ibabang bahagi ng kanyang tiyan.

Sinabi ng pulisya na ang biktima ay huling umalis sa kanyang bahay upang makipagkita sa isang tao bago siya natagpuang patay.

Sinabi ng mga residente sa pulisya na nakarinig sila ng putok ng baril sa gilid ng barangay road sa tabi ng Lumbangan National High School.


No comments:

Powered by Blogger.