Pinagtulungan! Dalagita ginah@sa ng sariling kapatid at amain, Arestado
Arestado ang isang 19-anyos na lalaki sa Rodriguez, Rizal matapos umanong gahasain ang sariling kapatid na nasa 14-anyos pa lamang.
Ayon sa mga pulis, nauna nang naaresto ang kanilang amain na inireklamo rin sa parehong krimen.
Nabatid na paulit-ulit umanong ginahasa ang dalagita.
Ang biktima rin ang mismong nagreklamo sa pulis tungkol sa sinapit sa kanyang amain at kapatid.
Mariin namang itinanggi ng kanyang kapatid ang paratang laban sa kanya.
Ayon sa kanyang kuya, hindi siya natatakot harapin ang kaso dahil siya ay inosente.
Sa ngayon ay walang inirekomendang piyansa para sa mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong rape.
No comments: