Nahukay! Mag Jowa na walang saplot nahukay sa bakanteng lote
Nahukay ng mga awtoridad ang mga bangkay ng isang babae at lalaki na kapwa walang saplot sa pang-ibaba na hinihinalang magkasintahan sa Barangay Lun Padidu, bayan ng Malapatan, Sarangani Province, nitong Miyerkules ng hapon.
Ayon sa ulat ng Malapatan Municipal Police Station, isang tawag ang kanilang natanggap hinggil sa nadiskubreng mga bangkay sa isang mababaw na hukay sa isang bakanteng lote.
Sa pagsisiyasat ng PNP-Scene of the Crime Operatives, napag-alaman na parehong walang mga suot na underwear ang mga biktima.
“Meron lang po kasi kaming natanggap na impormasyon na mayroon inilibing doon na biktima ng summary execution na nitong mga grupo na involved sa illegal drugs, gun-for-hire at saka yung land grabbing,” sabi ni Police Maj. Jun Fortunato, hepe ng CIDG-Sangani Provincial Field Unit.
Ayon pa sa CIDG, December 10 nang maaresto nila ang dalawang miyembro umano ng gun-for-hire syndicate at sa kanilang tactical interrogation ay kinumpirma ng mga ito ang burial site.
Posible rin umanong itinapon lamang sa lugar ang mga bangkay upang iligaw ang imbestigasyon.
Nakikipag-ugnayan na ang kapulisan sa mga barangay officials upang makatulong sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga biktima at posibleng motibo sa krimen.
No comments: