Nakuryenti Pa! Kagawad at isa pa nakuryente sa binaklas na christmas tree




Dalawa ang nasawi habang tatlo ang sugatan matapos makuryente habang nagkakalas ng giant Chrismas tree display sa Barangay Poblacion, Mabinay City, Negros Oriental noong Linggo.

Kinilala ang mga nasawi na sina Kagawad Elnie Endencio ng Brgy. Arebasore 41, at ang operator ng Lift truck na si Jonel Tenebroso, 31, empleyado ng MDRRMO.

Kinilala naman ang sugatan na sina Jay-ar Norbe, 33, isa ring kagawad ng nasabing barangay; Realyn Billares, 19, SK Chairwoman ng Brgy. Banban, Mabinay at Kimjun Padasay, 30, barangay secretary ng Brgy. Arebasore.

Ayon sa report ng Mabinay City Police, binabaklas ng mga biktima ang kanilang Christmas Tree Entry at tinanggal ang mga Christmas lights gamit ang isang man lift truck ng tumama ang boom nito sa live wire.

Mabilis na gumapang ang malakas na boltahe at nakuryente ang mga biktima.

Ang tinatanggal na christmas tree ay entry ng Brgy. Arebasore sa katatapos lang na Lingganay festival at isa sa pinakatampok ay ang christmas tree making contest sa bawat Barangay ng Munisipyo ng Mabinay.


No comments:

Powered by Blogger.