Nag Amok! Mag-asawa tinaga ng sariling anak, erpat nategi nya
Inaresto ng Calinan police ang isang lalaki na nag-amok at pumatay sa 71-anyos na ama at nanakit sa kaniyang ina sa Purok 2 New Masbate, Brgy. Inayangan, Calinan Davao City noong Biyernes ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Ernesto Silgas Bato habang sugatan naman ang misis na si Elizabeth Bato na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
Ayon sa spokesperson ng Davao City Pollie Office na si P/Capt. Hazel Tuazon, ikinagalit ng suspek na si Jickie Pancho Bato, 33, ang paulit-ulit na pagsasabi sa kanya ng mga magulang na maghanap ng trabaho.
Dahil sa galit ay nagwala ang suspek at kinuha ang itak na hawak ng ama na noon ay nagpuputol ng puno at tinaga ito, at pagkatapos ay pinuntahan sa bahay ang ina at sinaksak.
Matapos ang insidente, agad na tumakas ang suspek ngunit nahuli ito makalipas ang ilang oras sa isinagawang hot pursuit operation ng pulisya.
No comments: