May Reward? 77-anyos na lolo hindi nahiyang sumalang sa libreng tuli
Isang 77-anyos na lolo ang agaw-pansin matapos sumalang sa libreng tuli ng lokal na pamahalaan ng Maguindanao del Sur sa bayan ng Datu Montawal noong Enero 22.
Matagal na raw na gustong magpatuli ng lolo kaya nang mabalitaan niya ang medical outreach program sa kanilang lugar ay talagang naglaan siya ng panahon para makapunta rito.
Aniya, hindi siya nakapagpatuli dahil sa iba’t ibang dahilan tulad ng kakulangan ng serbisyong medikal sa kanilang lugar.
Dahil naman sa pagpapatuli ay nakatanggap siya ng reward na P30,000
Bukod sa 77-anyos na lolo, nagpatuli rin ang isang 31-anyos, 21-anyos at 16-anyos na binigyan din ng cash reward ng kanilang gobernador.
Bukod sa serbisyong medikal, namigay rin ng mga reading eyeglasses para sa matatanda, libreng tsinelas para sa mga bata, feeding program at namahagi rin ng mga relief goods.
No comments: