May humps? Rendon Labador gustong palagyan ng mga humps ang Marilaque Highway



Iminungkahi ng social media influencer na si Rendon Labador na lagyan ng humps ang Marilaque Highway para mabawasan ang aksidente rito.

Giit niya, ayaw raw kasing tumigil ng mga kamote rider.

Matatandaang isang motorcycle rider ang pumanaw matapos mag-stunt at makipagkarera sa Marilaque nitong weekend.

“Para mabawasan ang aksidente sa Marilaque, eto na ang solusyon. Ayaw tumigil ng mga kamote riders edi punuin natin ng humps, Agree???

“Kawawa yung naiwan na 3 YEARS OLD na anak ni Super Kamote. Sa katangahan ng tatay naulila ng maaga ang anak,” ani Rendon.

“Ingat tayo mga bro! hindi biro yang pag mo-motor. i enjoy natin at huwag gamitin sa pag mamayabang. Condolence sa pamilya ni super kamote,” dagdag niya.


No comments:

Powered by Blogger.