Nag aminan Na? Sunshine kinaiinggitan dahil inamin ni Atong ang kanilang relasyon




Ang bongga ni Sunshine Cruz, ha!

Aba, ang haba-haba ng hair niya at talaga namang kinaiinggitan siya dahil sa pag-amin ng businessman na si Atong Ang tungkol sa kanilang relasyon.

Usap-usapan nga ang tungkol sa pagkumpirma ni Atong sa Bilyonaryo News Channel na in a relationship na sila ni Sunshine.

Ipinahayag nga ni ‘Agenda’ host Pinky Webb noong December 17 ang tungkol sa sinabi ni Atong.

Ayon naman sa isang malapit na malapit kay Sunshine, wala raw balak ang aktres na magsalita pa tungkol sa pag-amin ni Atong sa kanilang relasyon, pero masaya raw ito.


Actually marami nga raw sa mga malalapit na kaibigan ni Sunshine ang nag-congratulate sa aktres dahil sa pag-amin ni Atong tungkol sa kanilang relasyon.

Sabi raw ng mga kaibigan ni Atong, parang ngayon lang ginawan ng businessman na kumpirmahin ang tungkol sa tsika sa kanyang love life, ha!

Samantala, talaga raw masaya ang relasyong Sunshine-Atong at hindi naman nila inililihim ang tungkol sa mga taong malalapit sa kanila.


No comments:

Powered by Blogger.