Sisibakin? 2 pulis nabistong rumaraket bilang bodyguard ni Rep. Pulong Duterte dahil sa viral video sa bar



Nanganganib na masibak sa trabaho ang dalawang pulis matapos mabistong rumaraket sila bilang mga bodyguard ni Davao City Rep. Paolo "Pulong" Duterte. Ang kanilang mga opisyal, mananagot din, ayon sa pamunuan ng Philippine National Police.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing nabisto ang ginagawang raket ng dalawang pulis bilang bodyguard ni Duterte dahil sa nag-viral na video na nakuhanan sa loob ng isang club sa Davao City.

Ang naturang video ay kuha kung saan sinasaktan umano ni Duterte ang isang negosyante.

Ayon kay PNP chief Police General Rommel Marbil, nakilala ang dalawang pulis na kasama sa Duterte sa naturang video.


No comments:

Powered by Blogger.