KARAMBOLA? Minivan na biglang huminto sa highway nagdulot ng karambola at saka umalis na parang walang nangyari!



Wasak ang tatlong sasakyan matapos magkarambola sa isang highway sa Ohio, USA. Ang ugat ng karambola, isang pulang minivan na biglang tumigil sa gitna at saka umalis na parang walang nangyaring disgrasya na siya ang dahilan.

Sa ulat ng GMA Integrated News nitong Miyerkoles, makikita sa video footage ang pulang minivan na tumigil sa gitna ng highway na tila nag-aalangan kung saan dadaan o tumitiyempo lang ba na pa-"exit."

Dahil sa paghinto ng minivan, dalawang sasakyan ang napatigil din sa kaniyang likuran.

Hanggang sa isang van ang hindi kaagad nakapagpreno at nabangga ang likod ng ikalawang sasakyan. 


No comments:

Powered by Blogger.