Karambola? Patay agad ang Truck Driver na may dalang backhoe na bumangga sa kolong-kolong at 1 pang truck



Patay ang isang truck driver matapos magtamo ng matinding pinsala sa ulo nang bumulusok ang minamaneho niyang truck na may dalang backhoe at bumangga sa kolong-kolong at isa pang truck sa Rodriguez, Rizal.

Sa eksklusibong ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing naganap ang insidente sa Barangay San Jose nitong Martes, kung saan tila na-sandwich ang kolong-kolong matapos pagitnaan ng dalawang truck.

Sinabi ng pulisya na isinalaysay ng isang saksi sa aksidente na nag-park ang driver ng truck sa kahabaan ng Mayon Avenue para ibalanse ang karga nitong backhoe.


No comments:

Powered by Blogger.