KAKALAS NA! Ping Lacson Nilabas ng Ebedensiya, Hindi Nagustuhan ang Ginawa ng PALASYO!Yari ANG LAHAT!
Aminado si dating Senador Panfilo `Ping’ Lacson na may epekto ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya ng mga kandidato ng administrasyon para sa midterm elections sa Mayo 12.
“I’ll be honest with you. Siyempre may epekto. Hindi natin maipagkakaila na maraming supporter si FPRRD. Rightly or wrongly siyempre nandoon ang kanilang sentiment para sa kanya,” pahayag ni Lacson sa isang press conference sa Tacloban City.
“But tayo naman, instead na tumulong tayong makadagdag pa tayo sa pag-escalate ng divisiveness, mas maganda sigurong tumulong tayong mag-deescalate, andiyan na `yan,” dagdag pa niya.
Ayon kay Lacson, hindi maitatanggi na maraming tagasuporta ang dating pangulo lalo na sa Mindanao at Visayas kaya’y may epekto aniya ito sa kampanya ng mga kandidato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.
No comments: