Lumutang! Isang Mangingisda nagpalutang-lutang sa Pagudpud river
Dedo ang isang 36 anyos na lalaking mangingisda sa Caparispisan River sa Pagudpud, Ilocos Norte nitong Sabado ng gabi.
Sa imbestigasyon ng Pagudpud Police, pumunta sa ilog ang biktima para mangisda nitong Biyernes ng gabi.
Pero naalarma ang kanyang live-in partner ng hindi ito nakauwi kagabi kaya inireport niya ito sa pulisya.
Hinanap nila ito, pero tanghali kahapon ay nakita na lumulutang na sa ilog.
Sa pagsusuri ng doktor, nalunod ang biktima at walang nakitang anuman foul play sa kanyang kamatayan.
No comments: