Tumilapon! Kuha sa CCTV ang Traffic enforcer na nabundol ng SUV




Nakaratay ngayon sa ospital ang isang traffic enforcer matapos mabundol ng driver ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Sta. Maria, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Salvador Marquez Dela Cruz Jr., 51, residente ng Barangay Parada, na noo’y namamahala ng daloy ng trapiko nitong Enero 14 sa Barangay Bagbaguin.

Nagtamo ng malubhang sugat ang traffic enforcer at agad na dinala sa pinakamalapit na ospital.

Nahuli naman ang driver ng SUV na kinilalang si Philip Cris Antonie Catacutan Baynito, naninirahan sa Barangay Ramon Magsaysay, Quezon City.

Kasalukuyan nang nakakulong sa Sta. Maria Municipal Jail ang nakabundol na driver at inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong reckless imprudence resulting in serious physical injury laban sa kanya.


No comments:

Powered by Blogger.