Himas Rehas! Lolo nasampolan sa `Bawal Bastos Law’ matapos ireklamo




Malamig ng rehas ang hinihimas ngayon ng 66-anyos na lolo matapos ireklamo ng 17-anyos na dalagita na inalok nito ng P1,000 para sumama sa kaniyang tahanan sa Malabon City.

Sa ulat kay Malabon Police chief, P/Col. Jay Baybayan, bandang alas-11: 30 ng gabi noong Huwebes, naglalakad ang biktimang si alyas Michelle pauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Catmon, nang harangin ng suspek na si alyas “Ricardo” sa panulukan ng Sanciangco St. sa Brgy. Catmon pero hindi umano niya ito pinansin.

Subalit muli umanong sinundan ng lolo ang dalagita at inalok ng P1,000 kapalit ng pagsama nito sa bahay ng suspek.

Dahil sa takot ay mablis na tumakbo ang biktima at nagsumbong sa ina na agad namang nag-report sa kanilang mga opisyal ng barangay at pulisya dahilan upang arestuhin ang lolo.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Safe Spaces Act ng R.A. 11313 na kilala bilang “Bawal Bastos Law” in relation to R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act laban sa kanya.


No comments:

Powered by Blogger.